Ang munting tula kong “freeform” …
Tinanong niya ako kung anong gusto kong gift
Sabi ko bagong Digital Compact Camera ang gusto kong gift
Tapos sabi ko, yung Samsung dual screen sana ang gusto kong gift
Hindi daw “up to spec” ang gusto kong gift
Mas OK daw ang Panasonic Lumix as gift
So gumawa siya ng Top 4 shortlist para sa gift ko
At pumunta ako ng Myer mag-isa para bilhin ang gift ko
Sinorpresa ko siya nong araw na yon pagbigay ko sa kanya ng gift ko
Tuwang tuwa siyang binuksan ang gift ko
At nag-kukukuha ng pictures at video gamit ang gift ko
Masaya ang asawa ko sa gift ko
Kaya ang sabi ko sa sarili ko humanda ka sa Birthday mo!
At ibibli kita ng “gift mo”!
Nangyari na ba sa inyo ito?